Batang Nagtitinda ng Gulay Naging Inspirasyon sa Social Media Dahil sa Angkin nitong Sipag at Tiyaga

Marami sa atin ang hindi makuntento kung anung mayroon sa kanilang buhay. Nagrereklamo sila sa mga bagay na wala sila pero nagrereklamo pa din sila kahit mayroon na sila lahat ng mga bagay na gusto nila. Ang iba naman sa atin nagrereklamo at hindi makuntento sa kanilang trabaho habang ang iba naman ginagawa ang lahat para magkatrabaho.

May mga mag-aaral naman na nagrereklamo o nawawalan ng gana mag-aral dahil hindi lang nila gusto habang ang iba naman walang wala at kailangang magbanat ng buto para lang may pangkain at pangtustos sa kanilang pag-aaral.



May mga tao tayong makikilala o makikita na sa kabila ng kanilang kahirapan ay handa pa din silang magpasalamat sa mga biyaya na mayroon sila at kanilang natatamo. Ilan sa kanila ay nagsisilbing inspirasyon ng karamihan sa atin lalo na sa mga kahangahanga nilang pag-uugali.

Isa na ngang halimbawa dito ang bata na kamakailan lang ay sumikat sa Facebook dahil naging inspirasyon ito ng karamihan dahil sa taglay nitong kasipagan. Isang netizen na nagngangalang Fran Rusti ang nakakita sa nasabing bata na nakasakay sa jeep at may dala itong ibat-ibang klase ng panindang gulay na nakalagay naman sa maliit na planggana.

Ayon sa ibang pasahero, may dala din daw iba pang paninda ang bata na nakalagay naman sa bag na nakasabit sa kanyang likuran. Agad namang humanga si Fran sa bata na kahit walang suot na tsinelas ay nagtitiis pa din itong magtinda, kaya naman kinuhaan niya ito ng litrato at ibinahagi sa kanyang Facebook account.

Ayon sa post ni Fran, dapat tularan ng karamihan sa atin ang nasabing bata dahil kahit sa murang edad nito ay marunong na itong magbanat ng buto sa marangal at maayos na paraan. Dagdag pa niya na ang mga katulad ng bata sa kanyang post ang dapat na makatanggap ng tulong dahil sila ang mas higit na nangangailangana. Ani ni Fran sa kanyang post na, “Mga batang dapat tulungan.



Di na mahalaga ang edad. Mabuhay nang marangal at parehas, ‘yan ang dapat. Alam kong may mga magulang ka, bata. Pero di ka rin pwedeng sisihin kung talagang kailangan mo iyan. Pagpalain ka ng ating Ama na nasa itaas. Laban lang. kid. Wag susuko sa buhay. Saludo ako sa iyo. Sana matulungan ka”.

Marami namang mga netizens ang naantig sa mga larawan ni Rusti, sa katunayan niyan marami ang handang tumulong at magbigay ng ilan sa mga damit at gamit nila na hindi na ginagamit pero maayos pa din. Ang ilan nga dito ay mga kaibigan mismo ni Rusti na handang ibigay ang mga sapatos at damit na kanilang pinaglumaan at hindi na ginagamit pero maayos pa din.



Bukod pa dito, isang netizen na nagngangalang Wencil Acosta ang nagshare ng larawan ni Rusti dahilan para lalo itong magviral at umabot ng 28,000 shares at 19,000 na reaksyon mula sa madami pang netizens. May ilang netizens din ang may kaparehong sitwasyon sa bata na nasa litrato ni Fran at ayon sa ilan sa kanila, kahit nahihiya daw sila ay ginagawa pa din nilang magbanat ng buto para makatulong sa kanilang mga magulang at pamilya.

Talaga namang nakakahanga ang kasipagan ng batang ito, sana ay marami pang bata ang maging katulad mo na masipag. Saludo kami sa iyo bata!

(Visited 954 times, 1 visits today)